Thursday, September 6, 2007
Sumisibol; )
Gaano kaya kasabik makalabas ang isang mumunting sanggol mula sa sinapupunan ng kanyang ina? Ang kanyang maliliit na daliri na nagsisimula nang magbukas, ang kanyang bibig na sa sobrang liit ay waring iyak lamang ang maririnig, ang kanyang mga paa na nagpupumiglas at ang kanyang mga mata na tila nangungusap ng liwanag ng mundo.....
Ano kaya ang kanyang magiging buhay kapag nakalabas na siya mula sa kinalalagyan? May magandang bukas kaya na sa kanya ay naghihintay? At sa tuwing siya ay madadapa, magdudulot kaya ito sa kanya ng mga galos at kung mayroon nga, mabilis kayang maghihilom ang mga sugat na kanyang natamo? Mapagbiro ang buhay. Kung minsan, akala mo'y malapit ka na sa dulo ng masukal nna gubat,yun pala'y wala ka pa sa kalagitnaan. Kung minsan, malapit ka na sa tuktok ng bundok nang bigla ka na lamang mapapatid sa mga gumagapang na ugat ng puno ng hindi man lamang namamalayan. Nakakatuwa rin madalas, sa kabila ng kabiguan ay matatanong aral. Ang buhay ay tunay ngang kabalintunaan. Magsikap man nang husto'y nasasawi pa rin. Kukuha ng pag-asa,pagkagising mo ay wala na sila.....ang mga taong kinukunan ng lakas upang mabuhay. haaaaaaaayyyyyy.................buhay....makulay....paliku-liko.......at higit sa lahat may dulo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment