Thursday, July 3, 2008

Humor is the shock absorbers of life..

" A great man is he who does not lose his child's heart."

Naalala ko 'yang kasabihang 'yan nung makilala ko 'yung professor namin sa art appeciation. Napakalawak ng sense of humor niya. Kahit green 'yung iba niyang jokes..nakakatawa pa rin. Hindi ako lumalabas sa room namin na hindi sumakit ang tiyan. Lagi talagang sumasakit ang tiyan ko. One thing good about him is that when he started teaching/discussing, he is serious and there are so many things that we actually learn for the first time. Parang trivias, 'yung tipong "ah, ganun pala 'yun, 'yun pala meaning nun..." Kapag nagtuturo siya, no dull moments talaga. We learn and at the same time have fun. Sobrang nakakatulong 'yung ganung klase ng mga professors kasi madali kong naaabsorb 'yung lessons.

Isa rin siguro sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko 'yung libro ni Bob Ong. Kasi may humor at lessons na mapupulot sa lahat ng bahagi nung books. Bukod pa dun, pa-mysterious kasi si Bob Ong. Nacu-curious talaga ako sa personality nya. Pero sabi dun sa isa mga libro nya, "kung nagustuhan mo ang writings ng mga tao, yun mismo ang nagustuhan mo at hindi ka na mag-iinteres na makita ng personal ang author unless you want to fuck him. At some point, it's true. I just simply like his writings at salamat naman at may natutunan din ako. Iwas muna ako sa mga serious books(kung sabagay, i was not into them...hehe) Ayoko pala ng masyadong seryoso baka 'di ko kayanin 'yung heavy.



"There are many things in life that will catch your eye, but only few will catch your heart. Pursue these."


Tama naman. Lalo na dun sa mga mapiling tao sa kahit anong bagay, once na makakita sila ng mga bagay na nagustuhan nila, mas chinecherish nila 'yun kasi pinaghirapan nilang magpuan. Kaya 'yung mga libro ni Bob Ong,tinandaan ko yung mga parts na nagustuhanko. Wala lang. Para bukas may baon ako 'di ba?

Friends..who are they?

" You will never soar with the eagles if you spend your time running around with a bunch of turkeys."- Carl Summer

Paano ko kaya malalaman kung sinasayang ko lang ang oras kasama ang mga "turkeys" when all this time i thought they are "eagles"? Maraming "eagles" 'di ba? pero bakit mahirap humanap ng mga kaibigan? Siguro dahil may mga eagles na nangdadagit...they will bite your back when you least expect it. Mas pinipili pa ng iba sa atin na makisama sa mga "turkeys" dahil baka kapag lumipad ka sa himpapawid kasama ang mga "eagles" ay iwanan ka sa ere. Hindi naman imposibleng mangyari 'yun 'di ba?

"Friends are two bodies with one soul."

Ewan! Hindi ko na madefine 'yung word na FRIEND. I must admit that this world is full of hypocrisy. Maraming pretenders, posers, at kung anu-ano pang ers. Nandiyan din 'yung mga green-eyed monsters, competitors and all the impossible people.(tinamaan ka ba ? ilag ka na lang!)